ZiPhone SA IYONG LENGUAHE!

Mga palabas ng ZiPhone

Loading...

isponsor

Unlock iPhone 3G !

STATUS

ZiPhone 3.0 andito na:
Mga bagong features:

- hindi na kailangan ayusin ang NVRAM
- Solusyon sa GRAY na NO WiFi!
- Hindi na kailangan ng mga pangayos sa YouTube!
- Pangkabit ng mga aplikasyon na nakaembed na!
- Customized na mga plugins!

ZiPhone ay paboritong gamitin sa mga
Apple Stores din! :)

Sobrang dali ng ZiPhone
kahit Caveman kaya gamitin! :)


Ang bagong baseband 4.05.01_G ay UNLOCKED na.
md5 ng secpack ay: 1ac94d73b1a5f518352ab8fba04656df

2.0 beta activation ay patched na. md5 ng 2.0 lockdownd ay:
c92a066d114dd3d96016b7501abadf75
Ang pangalan ng decrypted na system disk ay:
Vail5A225c.iPhoneDeveloperBundle

Ang System disk key ay:
ea14f3ec624c7fdbd52e108aa92d13b16f6b0b940c841f7bbc7792099dae45da928d13e7

Para sa isang malaking surpresa ICLICK ITO !

Friday, February 29, 2008

ZiPhone 2.5... WoWoWee !!!!!!!

Photo by Steph M.

ZiPhone 2.5 ay nasa download site na
para sa inyong kasiyahan.
.Nagdesisyon ako na ilabas na para sa lahat dahil
madaming tumutulong na suportahan ang mga sponsors.
.At hindi ito magiging patas sa lahat.
Iminumungkahi ko sa inyo na gawing "Restore sa 1.1.4" imbis na 
"Update". Dahil iniiwan ng Installer ang mga lumang applikasyon
 sa kanyang "Cache" at magdudulot ng mga problema. 
 Umaasa ako na magawan ng paraan ng Nullriver Software 
ang problemang ito sa lalong madaling panahon. 
Pagkatapos mag Restore to 1.1.4, Gamitin ang "ziphone -Z Y"
 o pindutin ang unang button sa GUI na bersyon.

Magpakasaya kayo! 
At salamat sa lahat para sa suporta at pag aaruga!
Mamalagi lamang! Marami pang interesadong bagay na darating sa site!

Namaste!
Zibri.


Wednesday, February 27, 2008

Ang Mundo na nasa lubid (ng Teksto!)

Larawan kay hotnacho

Ipinagmamalaking ng ZiPhone.org na ilabas
ang unang limang "sites" na isina-lokal!


Salamat sa mga "hindi-trabaho-lahat-kasiyahan" na talento ng mga tao
at mahusay na koordinasyon na ginawa ni Tissy
lahat sila ay handa na para sa inyong kasiyahan.


At syempre pa, lahat ng donasyon sa mga isina-lokal
na site ay mapupunta sa mga tiga-pangasiwa ng site.
(ang pinaka-bata ay 14 anyos lamang! isang pambihirang bata!!)


Tuesday, February 26, 2008

HUWAG ITAAS

HUWAG ITAAS SA 1.1.4, Ziphone ay malapit ng magtrabaho sa 1.1.4
Pero kailangan ko parin ng ibayong pagsubok at gumawa ng ilang mga pagbabago.

Pansamantala, magsaya muna sa susi :)

huwag aalis.


Sa mga nagbigay ng donasyon kayo ay makakatanggap ng bagong bersiyon isang araw bago ang lahat. Umasa ng bagong bersiyon sa loob ng dalawang araw (at sa mga hindi nagbigay ng donasyon maghintay kayo ng tatlong araw):


Ziphone ay libre at mananatiling Libre.
Paalala:Kung kayo ay may kontrata at pampagana maaari niyo ng gamitin ang ziphone para patakasin at malagyan ng mga aplikasyon ang isa.isa.apat!

Monday, February 25, 2008

Italyanong lugar HANDA NA !

Larawan kuha mismo ni Zibri habang nasa italyanong lugar!

Eto na!
Ang Italyanong ziphone lugar ay handa na.
Marami pang lenguwahe ang darating maya-maya lamang.
Puntahan at Tingnan ang mga ito at magdonasyon!
Ang perang donasyon sa italyanong lugar ay direktang mapupunta sa tagapagsalin at tagapamahala.
At pasalamatan natin siya!


Friday, February 22, 2008

Halos malapit ko ng MAHAWAKAN.....

Larawan kuha ni π ε λ α γ ί α

Maraming beses ko na itong sinabi, ZiPhone ay hindi ginawa para sa ihawak. Pero alam mo...Halos sila ay pareho...
Ang problema sa isa.isa.tatlo ihawak ay ang bootloader ay may maliit na pagkakaiba. Kahapon ay nagkaroon ako ng oras para paghiwahiwalayin ito. Dalawampung minuto ang nakalipas akin natapguan ang eksaktong kung ano ang aking inaasahan at kung saan ko inaasahan.
Bigyan mo ako ng pagkakaton na mapagaralan pa ng husto para ikaw ay siguradong maging ligtas.
At asahan mo ang balita sa lalong madaling pahanon.
Paalala:
Siguro ako ay sobrang pagod na.. wala man lang nagpapatunay na ito ay hindi gumagana.
Ang ginawa ko ay kumuha ako ng pera sa donasyon at umorder ako ng 32GB ng hawak.
Ito ay darating makalipas lang ang ilang araw...
ikaw ay palagi kong babalitaan siyempre..

Huwag aalis!
Kumusta,

Wednesday, February 20, 2008

Ang Pagbabalik ng GUI!

Magsaya sa opisyal na bintana ng GUI!
Frederick mula sa iunlock.no sumama sa akin para bigyan kayo ng mas kahanga-hangang Ziphone !
Binago ko rin ang babalagy na pahina. Salamat kay KoSoVar fsa punong abala
Suportahan niyo rin siya!
(Paalala at donasyon sa pahinang iyon ay direktang mapupunta sa kanya!)
Tingnan ang Imbakan para sa Rusong Gawang kamay at ilang impormasyon :)

Sunday, February 17, 2008

ZiPhone 2.4 (Ang iyong matalik na kaibigan!)

Mas madali pa kesa dati!
Ito ay para sa inyo kahanga-hangang mga tao!
Salamat sa iyong suporta, Pagkakaibigan at sa lahat ng iyong ginagawa para sa akin at dito sa komunidad! Magsaya! Ang napakabilis na babalagay lugar ay buong pusong binabahagi ni koSoVar!

Saturday, February 16, 2008

ZiPhone 2.3 OSX Bersiyon ay sa wakas ayos na!


Salamat sa mga paghihirap ni pendor at ang beta test ng "foofighte". Ang OSX bersiyon ng Ziphone 2.3 ay ayos na!.kumusta
Zibri


Photo courtesy of floridapfe

ZiPhone 2.3

Eto na tyo. 2.3 ay nakalabas na.

Basahin ang "README.txt" na salansan para sa mga pagbabago.

OSX GUI na bersyon ay ilalabas na pagkalipas ng ilang minuto.

...at magsaya sa paginum ng aking kape :)

Friday, February 15, 2008

ZiPhone 2.2 Pasensya


Sana'y tangapin nyo ang aking paumanhin.
May tangang insekto sa 2.1 na ayaw payagan mabura ang aking Z na icon
at nagkaroon ng maliliit na problema.
Isang tangang typo.
Sa Download meron nang ZiPhone 2.2.
Walang nagbago, tinanggal lang yung insekto.
Ngayon pahinga muna. magbabalik din agad para magdagdag ng features
sa loob ng ilang araw.
Salamat kay joserg para sa litrato!
Note:
Wala pang nabrick na iPhone ang ZiPhone.
IPSF o 'freeipsf' users hindi makaupgrade sa 4.03.. dahil isf method sinisira
ang baseband (at siniguro ng apple yan sa 4.03).
Pwede nyo parin gamitin ang ziphone -u opsyon.
Kahapon sobrang pagod ako at nalagay ang maling windows exe sa archive.

Thursday, February 14, 2008

ZiPhone 2.1 ay nandito para magbigay serbisyo


Narito na ang Ziphone 2.1.
Itinama ang "mansanas na logong may insekto".
Tinanggal ang -v option (ngayun ito ay laging nag boboot sa verbose na pamamaraan)
karagdagang integridad tingnan sa zibri.dat.
ikalawang karagdagan .BAT files para sa windows newbies:)
bagong balita BASAHIN AKO.txt
OSX bersiyon dinagdagan.
Magsaya.
"Ang Isa ay natutuwang magserbisyo."
(Bicentennial Man)

Wednesday, February 13, 2008

ZiPhone 2.0 !!! (Tapos ang Laban!)

ZiPhone v2.0 is finally OUT.
Sa command line bersyon, meron kang mahahanap na
option "-b" magingat dito!
Wala akong responsibilidad kung mabrick mo ang iPhone mo!
ZiPhone -b ay idodowngrade bootloader galing sa 4.6 papuntang 3.9,
flash 4.03.13_G baseband bersyon at
unlock ito (sa isang tira!).
Gumana sya sakin sa 2 ootb 1.1.2 iPhones.
Gagana din sya sa 1.1.3 ootb iPhones.
Ang ibang opsyon ay pareho lang.
Wag kalimutan magdonate!
Nakasalalay sa inyo ang hinaharap ng ZiPhone!
Kung hindi ka marunong magcode o tumulong sa ibang paraan,
magdonate nalang.
Tingin ko di na natin kailangan ng bagong bersyon hanggang sa susunod na paglabas ng firmware :)
Mabuhay!
Kapayapaan sa labas.
(Galing yan sa paborito kong blogger)

Importante:
Sa mga naiistuck sa Apple logo.
Subukang gamitin: ZiPhone -v -b
Naayos nyan ang problema ng maraming tao.

ZiPhone 1.2 ay LABAS NA!!!

Mga Bagong Katangian:

Ito ay nakapagtanggal ng kandado ng parehong apat.anim at tatlo.siyam BL.
At ito ay awtomatikong nakakaramdam.. gamitin lang -u !

Ngayun puede mo ng burahin ang kahit anong bersiyon ng kahit anong SIM:)

Babalagay na tulay ay nasa kanan.

P.S.
Napagod na kong maghintay.
Inayos ko na.

Maghanda para sa ZiPhone 2.0.

Ito ay lalabas MALAPIT NA!

ZiPhone ay gumagana narin sa iTouch!

Magsaya :)

Mga Insekto???


Sinubukan ko to:

1) pumasok ng DFU (black yung screen).
2) nagrestore paakyat ng 1.1.3.
3) ipatay ang iPhone at buksan ulit .
4) pinatakbo ko: ziphone -a -j -u sa command line (pinakabagong bersyon)

Bumukas at sumara yung iPhone ng 2 beses.
Lahat ay OK na.
Youtube gumagana.

Tapos:
1) binuksan ko ang installer.
2) inupdate ang community sources.
3) pumunta sa System category at kinabit ang BSD Subsystem.
4) sa System category kinabit ko din ang openssh.

Ang pc ko ay tumatakbo sa windows XP sp2 kumpleto lahat ng patches.
Itunes 7.5 (tanggaling tuluyan ang itunes 7.6 http://docs.info.apple.com/article.html?artnum=93698 ) tapos ikabit ang 7.5 (sa tingin ko 7.4.3 gagana din)

At syempre ang pinakabagong bersyon ng ZiPhone.
I-unzip sya sa isang direktori.
Tapos
1) buksan ang command prompt
2) cd ka sa direktori na yun
3) ziphone -a -j -u

Wag ipatay ang iTunes pagkatapos ng restore.
Wag galawin ang window nito.
Magaantay lang ng 2 minuto.

Tandaan:
Pag nilabas ko na ang bagong bersyon ng ZiPhone comes,
burahin ang luma (yung buong direktori)
At ilagay yung bago.
ZiPhone at ang zibri.dat dapat galing sa parehong bersyon.

Tuesday, February 12, 2008

ZiPhone 1.1 LABAS NA. (mac version din !) (link inayos na)

Mga bago:

hindi na kailangan ilagay sa recovery mode!
wala nang "mahirap" na bagay :)
patakbuhin lang ang ziphone at gagawin na nito ang lahat para sa iyo :)

NEW ARCHIVE

SOURCE

EXECUTABLE para sa OSX 10.4 (ilagay lang sa parehong directory kung saan mo na-extract yung main archive sa taas)

Ang kailangan ng programang ito para sa windows:

para sa pagsusubok, itunes 7.5 ang gamit ko at isang directory na may archive na naka-link sa itaas.
hindi pa ako nagkaroon ng suliranin at nasubukan ko na ang lahat ng pagpipilian.

Dahil may nakapagbalita na nakaranas ng problema, nag-restore ako ngayon ng telepono sa 113 at susubukan kong patakbuhin ang ziphone -a -j -u...

Sya nga pala, pagkatapos i-restore, patayin ang telepono at buksang muli bago patakbuhin ang ziphone (baka nakaligtaan mo ang hakbang na ito)

Babalitaan ko kayo.

Bagong Balita ! (Ayos)

OSX bersiyon ayos. (Salamat kay pendor)

WINDOWS GUI: Idinagdag (Salamat kay mlk)

ZiPhone Mas Pinaganda !

ZiPhone mas pinaganda pa.

Version 1.0 (beta) pa rin..

OSX version ay NAGBABALIK !
(Kailangan mong gamitin ang nakalakip na MobileDevice.framework sa ilang osx versions)

ZiPhone v1.0 ni Zibri. http://zibree.blogspot.com/
Source code ay matatapuan sa: http://www.iphone-elite.org/

Usage: ziphone [-u] [-a] [-j] [-i imei]
-u: Unlock (Only for 4.6 BL)
-a: Activate
-j: Jailbreak
-i: Change imei (Only for 4.6 BL)
-v: Verbose boot (debug)
-e: iErase BL 3.9 baseband

Monday, February 11, 2008

ZiPhone !


I-download ulit ang file. Bagong pagpipilian ay ang ierase 3.9 bl basebands!
(Sa ngayon, inalis ko muna yung osx version dahil hindi pa sya gumagana)
Hmm.. sa tingin ko, okay na sya... eto na ang ZiPhone !
Sa ngayon, ito ang pinaka-simpleng programa para i-setup ang iPhone mo.
Patakbuhin mo lang sya ang makikita mo.
Windows at OSX na versions !
Ang source code AY makukuha sa
at
Ang pinakabagong version ng ZiPhone ay palaging makukuha sa:

Detalye kung paano sya gumagana at kung BAKIT sya gumagana, ay lalabas sa site na binanggit sa itaas o sa Wiki.
Wala kahit na sino sa 'dev-team' ang tumulong sa proyektong ito.
Ang programang ito ay base sa dunong ng lahat ng taong
naniniwala sa libreng software. (Salamat sa toolchain!)
Salamat kay geohot para sa kanyang trabaho.
Salamat kay Tissy para sa moral na suporta.
Salamat sa iphone-elite.org para sa suporta.
Salamat kay Viper at Tifel at ortner dahil lagi silang mabait sa akin.
Salamat kay iRev para sa larawan sa itaas at kay Mel Brooks para sa
paggawa at pag-direk ng napasayang pelikula.
At salamat din sa iphoneelite.com para sa pagpapatawa rin nila sakin :)
Sa inyong tunay,
Zibri.
P.S.
Bilang side-effect, sa paggamit ng tool na ito ay may mabubuhay na maraming 'dead' basebands.
Gamitin lang ang unlock option.
SA MGA TAONG WALANG IMEI, WALANG WIFI, WALANG BASEBAND (4.6BL):
i-boot lang ang telepono sa recovery mode.
tapos run: ziphone -u

Friday, February 8, 2008

4.03 R.I.P.

OFFSET: A0238150: 02 00 00 1a >> 00 00 A0 e1

Kay geohot: kailangan ko ang tulong mo pare...
Para mapagana natin tapal na ito dapat nating ibaba ang bootloader o
patayin ang integrity checks.
O hindi gagana ang tapal na ito sa BL4.6 :(
Sige na ! Magtulungan tayo !
Ikaw ay inaanyayaan sa #iphone-dev on irc.iphone-elite.org

TAPOS NA !

Saludo kami sayo George Hotz !
Nagawa mo na rin !
Wag na ang dev team.
Wag na dun sa mga taong walang-kwenta at mukhang pera !
Ano nga ba ang masasabi ko? Puno ako ng galak para sa lahat ng may iPhone!
Sya nga pala, hindi ko alam kung sino and nanggagaya ng palayaw ko sa geohot blog.
Hindi ako yun.
(Baka si aCujo o isang taong walang-asal na katulad nya)

Thursday, February 7, 2008

Hayaan nyong ipakilala ko...


Binigyan ko sila ng pagkakataon, pero puro kalokkohan parin ang ginagawa nila
(Hindi ko nga maintindihan yung bagay tungkol sa intsik... ang mga kilala kong intsik ay puro mayari ng kainan!)
Kaya para sa lahat.. simulan natin sa unang parte ng JerrySim !
Sana'y maganda ang araw nyo :)
At sana, wag nyo paniwalaan ang kalokohang pinagsusulat nila..
Pansinin to: nagbukas sila ng site ngayong araw na to (isang buwan nila to sinubukan)
para lang hindi mapahiya ang mga mukha nila.
Ngayon ano na? Sasabihin ba nila na nagtratrabaho ako para sa mga terorista?!
Magkabuhay naman kayo dev team, kailangan nyo LAHAT yun!

Ang katotohanan ay nasa labas.....

Napapagod na akong marinig mga dumi ng toro.
Ang iyong mababasa ay tungkol sa panlood na dokumento ng "dev koponan".
Basahin itong mabuti at PAGARALAN kungpano nila ginagawa ang mga bagay.
At tinatawag parin nila itong kooperasyon... tumatawa ng malakas!
Tapos meron mga payas0 nila: Tao kagaya ni aCujo, sunnyDlite ay sa unang line, tapos lahat ng iba ay "tagahanga"..
Mga taong nagsusulat ng bagay na katulad :
[17:41] -aCujo- Ginagaya ko si Zibri
[17:41] -aCujo- sinusubukan kong bigyan siya ng masamang reputasyon tumatawa ng malakas
[17:44] -aCujo- kayo dapat makita niyo ang duming toro na pinapakain ko sa ibabaw ng tux-irc bilang Zibri
[17:45] -aCujo- at hindi ko pinapalaki ang I na siya .. para lang gawing mas maging kapanipaniwala tumatawa ng malakas. Zibri ay sobrang tamad para palakihin ang kanyang I's
Ngayun ... ok.. tama na sa mga batang ito.
Dito meron kang dokumento.
Ito ay may petsa nung isang buwan pa.
Ngayun, Kalimutan lahat itong dumi ng toro at subukan magkaroon kaunting kasiyahan sa totoong buhay!

Pusa't Daga


Oo, parang sina Tom and Jerry ang Apple at ang mga iPhone hackers.
Kahit minsan, hindi ko pa nakita si Jerry na nanghihingi ng donasyon o napapatagal
ng paglabas ng "exploit" dahil nagkukunwari na hindi pa daw ito handa.
Ang tanging paraan lang para umabante tayo ay ang taus-pusong pagtutulong-tulong ng lahat.
Kaya, kung sa tingin mo ikaw ay mayroong maibabahagi, halina sa IRC
sa #iphone and #iphone-dev sa server
IRC.IPHONE-ELITE.ORG
At pwede ba, ITIGIL ang paghingi ng unlocks at simulang aralin
ang lahat ng pwedeng aralin ukol sa iPhone.
O, sya nga pala, nagawa ni GRAY ma-i-downgrade ang 4.6 BL, ISANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS.
Pinangalanan nila ang exploit na ito na Jerry ngunit walang nakakita ng keso :)
Pasensya na at sasabihin ko ito, pero sa laro ng pusa't daga, hindi magtatagal at
ang PUSA ang magwawagi.
Bakit? Dahil ang buong mundong pagtutulung-tulong lang ang makakagawa ng solusyon.
Kung ako ang papipiliin ng "grupo", kabilang ako sa panig ni Tom.
Doon kasi, magagaling sila na masisipag and mabibilis
upang makagawa ng isang produktong mahal natin lahat.
At nasa tama silang pag-iisip para humingi ng pera at hindi donasyon :)

Monday, February 4, 2008

Para sa mga loko-loko....


Ito ay ang bersyon 1.3 ng anySim.
Ang bersyong ito ang nagsususi sa kandado ng baseband 4.03_13_g.
Ito ay para lamang sa bootlock 3.9, huwag gamitin sa 4.6
Para gamitin ito, itaas ang baseband at pagkatapos
ay ilagay ang iPhone sa estadong pang-eroplano at saka itakbo!
Gumagana rin ito sa JB 1.1.3 OS…

Eto para sa mga loko-loko, mga taong di akma, mga rebelde, mga basag-ulo, mga bilog na pamasak sa kwadradong butas…mga taong iba ang pananaw –- samakatuwid, mga pasaway…Tukuyin mo man sila, kontrahin mo, o ilagay sa luwalhati o hamakin, ang isang bagay na hindi mo magagawa ay ang hindi sila pansinin sa dahilang binabago nila ang mga bagay-bagay…tinutulak nila ang sangkatauhan ng pasulong, at habang ang tingin sa kanila eh loko-loko, ang nakikita natin ay mga henyo, sa dahilang kung sino ang sadyang loko-loko na mag-isip na kaya nilang baguhin ang mundo, ay sila ring makagagawa nito.


Sunday, February 3, 2008

iPhone-Elitista

Mga ilang kataga tungkol sa iPhone-Elitista Team:
Minsan isang panahon, ako, si viper, tifel at ortner ay nagdesisyong bumuo ng isang komunidad.
Ang aming gagawin: magtipon ng mga taong dalubhasa sa iPhone upang mapabuti ang ating munting mga gadyet.
At maraming ibang mga taong nag-alay tumulong.
At maraming taong dalubhasa (at nakikiusyoso narin) ang sumali sa aming mga hukuman o forums.
Tulad nila: bgm, Fred, chris, Turbo ang mga naunang sumali.
Sumunod na nag-alay ng serbisyo tulad ng irc bots (billyboy) irc servers (acujo) at iba pang mga bagay-bagay.
Doon nagsimula ang mga problema: mga taong tulad nila acujo at billyboy ay nagsimulang mag-asal diyos sa mga irc tsanels.
Pinabayaan naming lahat yon…pero lumagpas sila sa linya.
Kaya nagsimula na naman kami sa wala.
Umaasang makahanap muli ng mga mas okey na tao at bumuo ng isang mabuting komunidad.

Ang reference site: http://www.iphone-elite.org/
Pakatandaan: .COM ay PEKE. Ang totoong IPHONE-ELITISTA na site ay ang nasa itaas.
IRC channel #iphone-dev sa irc.iphone-elite.org
Maaari lamang na walang drama, puro saya lang, please. :)

Saturday, February 2, 2008

Magandang Balita....

Magandang balita para sa maliit na grupo ng mga masokista na nagbabasa ng nakakayamot na blog na ito!
Kung napansin nyo sa mga nakaraaang post ko (yung pagkuha ng susi ang ibig kong sabihin), kontrolado nating buo ang iPhone!
Hay, ngayon naman eh ang baseband.
Sa totoo lang, maraming tao ang nagtatrabahong mabuti dito.
Ihanda ang mga iPhones :)